CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

MARiA

My photo
physically or emotionally. a joker. maybe. a pacifier. at times. and... usually make the issues, people don't notice much.

BOOKS

  • Ang Paboritong Libro ni Hudas
  • Solitaire Mystery
  • Veronica Decides to Die
  • The Best Laid Plans

LABELS

November 14, 2007

Mulat

    Tuwng magtatagpo ang mga palad ko, habang nakatungo't tinitingala ka, mula sa tiis ng pagkakaluhod, tuwing pumipikit ako, lumiliwanag ang lahat, na ginagampanan ko'ng nararapat, at tiyak, may naghihintay na basbas at aleluya,dahil minsan, di nagatim na lumihis sa itinakda. Tuwing pumipikit ako, lumiliwanag ang lahat, kung bakit, di katulad ng ibang taksil MAPANUPIL, di mo sila hinayaang maghari sa di karapat-dapat kong katawang pinagod ng walang katapusang prusisyong AMA NAMIN at AMEN. Pag sarado ang mata, kay daming nakikita. Masusi silang pinapanuod, at napapapikit ako. Mahigpit, hanggang sa mapaluha sa galak,dahil di mo ako hinayaang naging katulad nila. Ako'y umaawit ng kagalakan. Tuwing pumipikit, nagkakaruon ng saysay. Ang lahat ng pasakit: ginawa sa ngalan mo, kaya't napapawi ang takot at pangamba. Dahil alam ko, ako lang ang nararapat sa iyong tabi.

-Anonymous .

0 comments: