CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

MARiA

My photo
physically or emotionally. a joker. maybe. a pacifier. at times. and... usually make the issues, people don't notice much.

BOOKS

  • Ang Paboritong Libro ni Hudas
  • Solitaire Mystery
  • Veronica Decides to Die
  • The Best Laid Plans

LABELS

February 03, 2011

May Sasabihin Ako, Pero Huwag Mong Ipagsabe

magiisip ako ngayon ng bago.
sa panahon. sa mga lugar. sa mga pgakain.
sa mga tao. sa mga hayop. sa mga bagay-bagay at
sa sarili ko. ano bang bago pag nagsulat ako dito?
marami. dahil marami ang maaaring makabasa ng lahat ng sinusulat ko.
di nanaman mapakali ang mga daliri.
sabi' dapat pa'sulat nalang para di na mababasa ng iba, di pa mawawala.
sabi ko naman, ganun naman talaga dapat.
ano naman kung may makabasa,
ano naman kung mawala.
bago ba sa atin ang pagsusulat o pagkekwento sa ganitong paraan?
marahil sa iba (yung mga napagiwanan ba)
pero diba? bago magsulat o magkwento ang isang tao.
ano ba ang pakay niya? sabihin sayo ang kwento para itago mo sa sarili mo?
o ikwento para ikalat at malaman ng buong tao.
sa tingin ko, walang taong hindi, hindi sinasadyang magkwento sa isang tao.
halimbawa, may dalawa kang kaibigan. di mo alam na may samaan pala sila ng loob,
ng lumapit sayo ang isa at nagsabi ng saloobin. binalaan ka pang huwag sabihin sa isa mo pang kaibigan ang mga nasabi niya. ano ang gagawin mo? (marahil at malamang ay di mo nga sasabihin dba?)
pero isipin mo nalang, kung ayaw niyang ipasabi sa isa mo pang kaibigan ang saloobin niya,
sa simula pa lang ay di na dapat siya nagbitiw pa ng kung anu'anumang salita,
dahil balaan ka man niya o hindi, ay ganoon naman talaga nag pakay niya.
----ang sabihin sa kaibigan mo ang saloobin niya, dahil di niya kayang siya ang magsabi dito.


madalas sa mga kaibigan ko ang ganoong pag'uugali. at dahil sa nasa'isip ko ang ganoong "taktika",
maaring sabihin ko o di sabihin ang nasabing sekreto. minsan kasi, sinusukan ka lang din ng kaibigan mo ang katapatan mo sa kanya. na sa tingin ko ay ayos lang naman at walang malisya.


ikaw? di mo ba naisip na ginagamit ka lang niya para magbati sila?

0 comments: