CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

MARiA

My photo
physically or emotionally. a joker. maybe. a pacifier. at times. and... usually make the issues, people don't notice much.

BOOKS

  • Ang Paboritong Libro ni Hudas
  • Solitaire Mystery
  • Veronica Decides to Die
  • The Best Laid Plans

LABELS

March 03, 2007

" ISIP ISIP "

            "Bigyan ko lang daw sya ng chance at papatunayan daw nyang kaya nyang magbago at magpakatino. Maghihintay daw sya, bka daw sakaling bumigay ako."


        Naniniwala ako sa minsan-nang-nagawa-kayang-kaya-pa-ulitin term. Eto nga't nagpaparamdam at nagsasabi ng kung ano ano. Pero wala pa rin eh. Sadya lang sigurong, lahat sila'y puro salita lang.

           Napaisip nlang ako. Ba't ba kasi kailangan pa nila ng taong dahilan para magbago? Ba't di nalang nila gawin para sa sarili nila. Siguro nga, iniisip nalang nilang -"Para saan pa kung magbago ako para sa sarili ko, kung wala rin namang makakapansin. Bakit pa? Sana nga di na lang ako pinanganak! Puro nlang kasi kamalasan ang buhay ko!"- ayan ang sabi nung isa. Pero di ba, may rason ang lahat ng bagay. Kaya siguro nagkakaganun buhay nya dahil kulang siya sa paniniwala. Sisihin ba naman ang Diyos? hay. Maling mali. Hindi ako banal na tao, pero may takot ako sa Kanya. Siguro nga lahat tayo, may sari-sariling paniniwala. Pero hindi ako perpektong tao. Sinusubukan ko, at wala naman sigurong masama sa pagbabago dba? 

         Ang dami ko nang nagawang kalokohan. Pero kailangang magpakatino. Tama na ang ilang sermon galing sa kanila. Nagkamali naman talaga ako eh. Basta ba, huwag sila aangal pagka ako naman ang tama. Ang dami na nga nanibago sa mga pananaw ko, hindi lang sila sanay. Akala kasi nila, di ko kayang lumaban at magdesisyon para sa sarili ko. Naman! Alam ko na rin kung ano ang tama sa mali. At alam ko na rin magbilang, alam ko na nga pangalan ko eh, at alam ko ring mag-isip. Pero salamat sa mga nakapansin sa akin. Kahit puro mga mali ang pinansin nila. Nakilala nila ako sa pawang katotohanan lamang.

2 comments:

Anonymous said...

`† awts un ah... tagos un, tagos.... ;b\m/ †™`

mariaDREX said...

kung sino ka man...
kilala kita...
wahaha.. wapak !