CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

MARiA

My photo
physically or emotionally. a joker. maybe. a pacifier. at times. and... usually make the issues, people don't notice much.

BOOKS

  • Ang Paboritong Libro ni Hudas
  • Solitaire Mystery
  • Veronica Decides to Die
  • The Best Laid Plans

LABELS

August 04, 2008

Wika Ko, Wikang Filipino,Wika ng Mundo, Mahalaga

Lahat ng bansa ay may sariling wika, Pambansang wika nga kung ating tawagin. “Ang wika ay mahalaga para sa lahat”, sino naman ang hindi aayon, kung ito lang naman ang tumataguyod sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Ito ang siyang katulong natin sa ating mga pan-araw-araw na Gawain. Malalaman bang isang Pilipino ang isang tao ng di mo kinakausap? Maaari, ngunit mas masasabing Pilipino siya kung siya ay walang takot magsalita ng sarili niyang wika. Hindi ba’t salita ang pinakamakapangyarihang elemento ng wika? Isipin nalang na wala tayong ginagamit na lengwaheng maiintindihan natin saan man sa Pilipinas tayo magpunta. Magkaka-intindihan kaya tayo? Malalaman mo ba ang mga nais iparating ng mga taga davao kung ikaw ang isang laking-Maynila? Kaya nga ba ganoon na lang ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ating wikang pambansa. Dahil dito ay magkakaroon ng kaisahan at pagkaka-intindihan ang bawat Pilipino saan man sa pilipinas.


Ang dating presidenteng Manuel Luis Quezon, ang tinaguriang “Ama ng Wika”, ang siyang nagpatupad ng “batas komonwelt” na naghahangad ng pagkakaroon ng sarili nating wikang pambansa. Ito ay ibinase sa mga dominanteng diyalekto sa pilipinas. At sa pangangalap ng ating wikang pambansa, tagalong ang ginawang basehan, dahil ito ay nagtataglay na ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng mga Pilipino. At doon, ay nagsimula na ang iba pang kautusan ukol sa pagsasatupad ng sarili nating wikang pambansa hanggang sa noong Agosto 25, 1988, Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagsasabi ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. pinagtibay din ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura. At doon nagsimula ang pagkakaisa ng bawat Pilipino batay sa komunikasyon. Simpleng mensahe na nais maiparating ay maaari ng maintindihan at ng may kaayusan. Kahit saan pa, kahit ano pa, ay nagkakaroon na ng pagkaka-intindihan. Nalinang ang mga kinatatago tagong kaalaman ng mga Pilipino ukol sa pakikipagtalastasan. Nalinang din ang iba’t ibang panitikan na siyang nagbunga ng unibersal na pagkilala sa mga Pilipino bilang Pilipino. Lahat ng ito ay utang nating mga Pilipino sa yumao nating presidente, Manuel L. Quezon.


Filipino, ito ang ating wikang pamabansa. Ito ang nagkakaisa sa ating mga Pilipino mapa-Pilipinas man o ibang bansa. Ito ang tulay nating mga Pilipino sa pagkakaintindihan mapa-igorot man o manilenyo. Iba iba man ang kultura ay napag-iisa parin ng sarili nating wika. Mapunta man sa ibang bansa ay di pa rin ma-aalis ang salitang siyang nagbibigay sa atin ng kapangyarihang mangibabaw at maglaganap ng mensaheng nais ilaganap. Sa dami nga naman ng mga pilipinong nangingibang bansa ay masasabi ng unibersal na rin ang ating wikang Filipino. Hindi na nga ba nakapagtataka na kung sa isang araw ay may mga iba pang lugar sa labas ng pilipinas na siyang lungga na rin ng mga Pilipino. Sa pagkakaroon natin ng wikang pambansa ay naipapasa natin ito at napapanatili sa ating kultura mula sa ating mga kanunununuan hanggang sa mga susunod pang mga henerasyon. Huwag nating isipin na ingles lamang ang nagbubuklod sa mga tao sa buong mundo. Mayroon tayng sariling atin na siya ring nagbubuklod sa ating mga Pilipino sa loob man o labas ng pilipinas. Dahil rin ditto ay nakilala ang mga Pilipino sa kanilang malikhaing pag-iisip ukol sa malawak na mundo ng panitikan. Kaya nga ba ganoon na lamang kahalaga ang pagkakaroon natin ng wikang pambansa natin. Dahil ito lamang ang siyang elemento na lahat ng pilipno ay umaayon at nagkaka-isa. Ito ang aking wika, wikang pambansa. Mabuhay!




=my essay to filipino2.
whew. nosebleeedd!
=D

0 comments: