CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

MARiA

My photo
physically or emotionally. a joker. maybe. a pacifier. at times. and... usually make the issues, people don't notice much.

BOOKS

  • Ang Paboritong Libro ni Hudas
  • Solitaire Mystery
  • Veronica Decides to Die
  • The Best Laid Plans

LABELS

September 22, 2008

MATA

Huwebes. Wala akong klase. Tapos na rin lahat ng Gawain. Nakakabagot. Nakakatamad. Ano bang dapat gawin, ng magkaroon ng kabuluhan ang aking araw? Maraming napasok sa aking isipan. Ngunit isa lang ang tanging natipuhan. Tumambay sa Jamaican at kumain ng paboritoi kong Jamaican dish. Sabay nito ang pagpakasasa ko sa malamig na malamig na mango smoothie nila habang ako ay nag-iiskets ng sinumang maharap sa aking kinauupuan. Tama! Yan nga ang aking bisyo tuwing ako’y nag-iisa at walang magawa.
Para sa akin, bilang isang estudyante ng “fine arts”, hangad kong lumawak ang aking ka-alaman at pagbutihin pa ang aking talento.
Hindi para makilala ng buong mundo kundi, para magkaroon ng sarili kong pangalan na aking maipagmamalaki sa aking sarili.

Akin talagang Gawain ang tumambay mag-isa tuwing walang Gawain. Ang sabi ng iba, nakakatakot yun. Walang kasama. Walang ka-kulitan. Walang karamay sa mga kalokohan. Pero hindi yun ang aking naisip. Sa tingin ko ay mga taong takot mapag-sabihan na “iba”(others) ang nagsasabi lang noon. Takot silang may masabi ang ibang tao sa kanila. Gusto nila maging naka-tataas. Magakaroon ng maraming kasama. Ang akala kasi nila, sisikat sila sa ganoong paraan. Maraming kasama, sikat. Pero mali. Masa maganda ata kung maraming “kaibigan” at hindi lang “kasama”.

Marami ngmga pangyayari sa aking buhay bago pa man ako na-lagi sa Jamaican. Bawat araw ay oridnaryo. Walang espesyal. Walang pagbabago. Ngunit ang araw na ito, iba. Kanina pa siya di mapakali. Ang mga mata’y may nais ipahiwatig. Parang may gusto. At di nga naglaon ay nilapitan ako. Steady lang. walang ramdam. Ano naman kung siya ay lumapit. Hinintay ko nalang ang sunod niyang gagawin. Nagsimulang bumukas ang kanyang bibig at aking narinig ang malalim at lalaking lalaking boses niya. Paano raw ba pumunta sa city circle? Sa kaloob-looban ko, gusto kong tumawa. Sinong mag-aakalang sa itsura niyang iyon ay hindi niya pa alam ang mga lugar sa maynila…
Akin pa ring sinagot ang kanyang katanungan kahit alam kong di talaga yun ang kanyang sadya. Doon, nagsimula ang nais ipahiwatig ng kanyang mga mata.

Nagpatuloy an gaming pagkikita kahit di ito sadya. Walang usapan na kami’y magkikita, ngunit sadya lang talagang pareho kami ng libangan at tambayan. Doon at doon parin, parehong oras. Parehong araw. Pero sino nga ba siya? Isang lalaking di ma-wari ang nasa isip. Aking kakanyahan ang bumasa ng nasa isip ng isang tao, pero bakit sa kanya ay walng ubra? Ano ba talagang nais iparating ng mga malalalim niyang mata? Ang kanyang manipis na balbas at makakapal na kilay, nagsasabi bang may mga bagay na kanyang ikinatatago tago at di masabi sa iba? Parang may kinikimkim na malagim na nakaraan. At ang kanyang itim na “jacket”. Nakapanlalamig ba ang lihim na kanyang itinatago? Ang pormang pang-kanto na di halata dahil sa putla ng kanyang mukha at salaming itinatago ang para bang di natutulog na mga mata. Sino nga ba siya? anong maibabahagi niya sa buhay ko?

Hindi nagtagal ay lumalim ang aming mga usapin. Sa ika-limang beses at araw n gaming pag-uusap, nalaman ko ang saklap at pait ng kanyang buhay. Hindi naging mabait sa kanya ang buhay. Mapait. Kasuklam suklam. Sinong matutuwa at magpapasalamat sa buhay na lahat ng taong pinahalagahan ay sila ring kukunin sa kanya? Iniwan siya ng kanyang magulang ng malamang siya ay nakapatay. Namatayan siya ng nobya. Nawala rin lahat ng mga akala niya ay mga tunay na kaibigan. Sa ngayon, mag-isa na lamang siya. nagta-trabaho. Palipat-lipat. Para bang naglalakabay na lamang at inaantay ang kanyang oras.
Doon rin lang kami nagpakilala ng pormal sa isa’t isa.naisip ko pa nga kung akin bang paniniwalaan ang mga sinabi niya. Pero ba’t hindi? Kung masama ang intension niya ay sana matagal na niyang ginawa.

Sa mag oras na iyon, napansin ko ang pamumutla ng kanyang mukha. Ayokong magtanong. Ayokong matrinig ang sagot. Ilang oras na lamang at mag-gagabi na. tumayo siya at daling hinila ako palabas. Kailangan na raw naming umuwi. Ihahatid na raw niya ako. Humndi ako. At din a rin siya nagpumilit. Pero, siniguro niyang makasakay muna ako bago siya tuluyang nawala sa aking paningin. Di man lang ako nakapag-pasalamat. Bigla nalang siyang nawala. Pero naiwan sa aking mga ang lamig ng kanya. Ang kanyang mga hawak. Malamig. Mahigpit. Ang kanyang mga titig, nakakapang-hina. Para bang lahat ng aking saya ay hingop na niya. Sa aking paglalakad palapit sa aming pintuan, biglang nasa isip ko ang mga salita niya bago bitawan ang aking mga kamay. Isang tinig na di ko pa narinig kailanman. Isang titig na siya at siya lang ang nagpakita sa akin. Pati mga simpleng salita na talagang nag’iwan sa akin ng pangamba…
“bata… ingat.. ka....”

0 comments: